Biography
Si Polski Orallo ay nagtuturo ng sining at panitikan sa hayskul habang ginagampanan ang kanyang pagiging visual artist at taong lagalag. Siya ay gumuguhit, kumukuha ng mga larawan, nagle-layout, nagku-curate at nagsusulat tungkol sa sining. Likas siyang nakabubuo ng mga imahe sa isip mula sa mga salita. Nagsasalita rin siya sa pamamagitan ng mga imahe.
Nag-anyo siya ng pabalat ng ilang aklat: Tuwing Umuulan ng KATAGA, Martial Law @50: Alaala at Kasaysayan ng Pagbabalikwas ng IBON Foundation, Panata sa Kalayaan ng Tanggol Kasaysayan, Pamamahay ni Emmanuel Barrameda, at Mga Ordinaryong Pagkagunaw ni Jerwin Bilale.
Nagtapos siya sa kursong AB/BSE Major in Literature – Filipino Stream sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Sa loob ng apat na taon sa kolehiyo, nagsilbi siya bilang visual artist, photojournalist, at layout artist ng The Torch Publications, ang opisyal na pahayagang pangmag-aaral ng PNU. Kasalukuyan niyang binubuno ang kanyang tesis sa ilalim ng programang MA Araling Pilipino Major in Fine Arts sa UP Diliman.
Lumaki siya bilang isang manlilikha na nangangarap na maging guro. Ngayong guro na siya ay nangangarap siyang patuloy na makalikha.
Experience
not set
Skills
PhotoshopSketchLightroomAdobe InDesignCanva
- Other
- Muntinlupa, Metro Manila
- Joined on Dec 2025